Binata todas sa kalugar dahil sa bisita

TIGOK ang isang binata matapos pagsasaksakin ng kalugar matapos maasar ang huli nang ipagtanggol ng una ang kanilang bisita na kinukursunada ng suspek sa Caloocan City Linggo ng madaling-araw, Hulyo 24.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Wilson Franco Jr., 19 ng P. Sevilla St., 2nd Avenue, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Kenneth Paguio, 18 at kalugar ng biktima.

Base sa ulat, dakong 1 ng madaling-araw, papauwi na ang biktima at habang naglalakad sa P. Sevilla ay sinalubong at pinagsasaksak ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwang walang buhay ang biktima.

Nabatid na bago ang insidente, may bisita ang biktima at kinukursunadahang banatan ng suspek na naging dahilan upang pagsabihan ni Franco na huwag gagalawin ni Paguio.

Umalis ang suspek at inabangan sa pag-uwi ang biktima at pinagsasaksak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply