Binatilyo pinagtulungan ng mag-aama

KRITIKAL ang isang binatilyo matapos pagtulungan bugbugin at saksakin ng kapitabahay na mag-aama makaraan ang isang pagtatalo sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Hulyo 1.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa tiyan si Kenneth De Vera, 17, ng Caimito st., Camarin ng nasabing lungsod.

Nakakulong naman si Romulo Bocaya, 47, habang nakatakas ang mga anak na sina Raffy at Ryan kapwa nasa hustong gulang at mga kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, sa hindi pa batid na kadahilan ay katalo ng biktima ang magkapatid na suspek sa San Vicente Ferrer st., hanggang sa magsuntukan ang mga ito.

Nakita ito Romulo subalit sa halip na awatin ay nakitulong sa pagbugbog at pagsaksak sa biktima.

Matapos ang insidente ay dinala sa Tala hospital ang biktima bago inilipat sa JRMMC habang nadakip naman si Romulo subalit nakatakas ang mga anak nito. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply