BIR exec kinasuhan dahil sa ‘unexplained wealth’

KINASUHAN ng katiwalian ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Office of the Ombudsman dahil sa hindi maipaliwanag na yaman nito.

Inireklamo rin ng pamemeke ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) si BIR Chief Revenue District Officer 4 Elenita Quimosing.

Sa 16-pahinang reklamo ng Department of Justice (DoF) , nilabag umano ni Quimosing ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at ang Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Lumabas sa imbestigasyon ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ang unit ng DoF kontra sa korapsyon na nakapagtatakang nakakuha ng real estate properties na nagkakahalaga ng P25 milyon si Quimosing at ang asawa nito gayong nasa P76,600 lamang ang kinikita nila bago ang taong 1980.

Natuklasan pa ng RIPS na may mga bagay na hindi idineklara si Quimosing sa kanyang SALN, partikular na ang pagsasaayos ng kanyang bahay sa Roxas St., San Juan City.

Idineklara ni Quimosing na aabot lamang ito ng P300,000 ang nagastos sa pagpapaayos, ngunit ayon sa RIPS ay masyado itong mababa dahil malaki ang kanyang bahay na may dalawang malawak na palapag.

May malawak din umano itong parking space at balcony na may dalawa pang reception hall.

Kaduda-duda rin umano ang idineklarang halaga ng BIR official para sa kanyang apartment sa Cubao, Quezon City at apat na magagarang sasakyan na ang presyo ay aabot lamang sa P5 milyon.

Bukod sa pagsasampa ng kaso, hiniling din ng DOF kay acting Ombudsman Orlando Casimiro na suspindehin si Quimosing habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply