Bitoon, Barbosa nakakopo ng GM norm

TAMPOK sina International Masters Richard Bitoon at Oliver Barbosa bilang kauna-unahang manlalaro na nakakuha 9 round grandmaster norm sa parehong round sa isang national championship kahapon sa National Press Club.

Nakaungos si Bitoon kontra kay GM John Paul Gomez matapos ang 38 moves ng Sicilian habang tabla naman si Barbosa kay GM Mark Paragua sa 31 moves ng Slav tungo sa unprecedented feat sa ninth round ng National Chess Championship: 4th Battle of the Grandmasters.

Ang dalawang manlalaro ya tangan na ang 2nd GM norms . Nakopo ni Bitoon ang first GM norm sa 2008 Singapore International Open habang nakamit naman ni Barbosa sa 10th Asian Continental Individual Chess Championships sa Mashhad, Iran nitong Mayo.

“Nakahinga na ako ng maluwag, at least nakuha na natin ang 2nd GM Norm,” sabi ng Taytay, Rizal native Barbosa.

“ Masayang-masaya ako sa pagkopo ng 2nd GM norm,” ani ng Medellin, Cebu bet Bitoon.

Nasa likod din sila ni solo leader GM Wesley So na may tig 6.0 points.

Tabla si So kay GM Eugene Torre sa 35 moves ng London System Opening tungo sa total 6.5 points.

Ito ang ika-5 draw ni So matapos ang apat na sunod na tabla sa tournament na suportado ng Pilipinas Shell, Manila Pavilion Waterfront Hotel and Casino, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, NPC, Remate at Hataw (JSY Publication).

Tabla din sina GMs Darwin Laylo at Rogelio “Joey” Antonio, Jr. sa kani-kanilang kalaban para makatutok sa P150,000 top prize after .

Draw si Laylo kay Ateneo junior standout IM Jan Emmanuel Garcia sa 35 moves ng Neo Gruenfeld para samahan si Torre sa fourth spot na may 5.5 points habang tabla din si Antonio kay GM Rogelio Barcenilla, Jr. tungo sa fifth point.

Giniba ni GM Roland Salvador si IM Yves Ranola sa 53 moves ng Queen’s Indian Defense.

Pinigilan naman ni GM Joseph Sanchez ang triple celebration matapos biguin si IM Rolando Nolte sa 42 moves ng Center Counter. Nakasama ni Sanchez si Antonio sa sixth place.

Ang former San Sebastian College stalwart Nolte ay nakuha din dapat ang 2nd GM norm kung nagwagi.Ngayon ay kailangan niyang maipanalo ang apat na nalalabing laro tungo sa kanyang 2nd GM norm.

“Bawi na lang tayo sa next round,” sabi ni Nolte, na nakuha ang first GM norm tatlong taon na ang nakalilipas sa 3rd Kolkata Open International Grandmasters Chess Tournament sa Alekhine Chess Club, Gorky Sadan sa Kolkata, India.

“Sayang lamang sa middle game si Rolando kaso matatag din si Joseph at nadepensahan niya ang atake eh,” sabi ni San Sebastian College head coach NM Homer Cunanan.

Lubos naman ang kagalakan ni National Chess Federation of the Philippines chairman/president Prospero “Butch” Pichay sa latest development sa local chess.

“This is what I envisioned when we start staging Battle of the Grandmasters a few years ago,” ani Pichay. “A tournament like this gives our players better chances of getting GM norms.”

Traget ni Pichay na makapag produce ng 20 Filipino GMs sa 2013 para ang Philippines ay magkaroon ng sariling Zonal competition.

Nais din niya makapag produce ng country’s first Woman Grandmaster.

Samantala, tinalo ni defending champion Woman Fide Master Rulp Ylem Jose si WNM Jan Jodilyn Fronda sa 58 moves ng Reti Opening para manatiling solo leadership sa eight rounds sa women’s division.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply