Biyahe ng LRT balik sa normal

BALIK na sa normal ang operasyon ng LRT1 ngayong araw mula sa istasyon ng Baclaran hanggang Monumento Station at Roosevelt sa Quezn City matapos itong pansamantalanag suspindihin dahil sa naganap na sunog sa Pasay City.

Dakong alas-8:45 kaninang umaga, Hulyo 15, ibinalik ang operasyon ng tren matapos na maideklarang clear at fire out na ang naganap na sunog sa ilang kabahayan sa lugar.

Nasunog ang residential area sa San Isidro street at Taft Avenue sa Pasay City dakong alas-7:29 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma.

Dahil sa kapal ng usok ay napilitan ang pamunuan ng LRT1 na suspindihin ang biyahe nito.

Patuloy pa rin ang pag-apula ng mga bombero sa sunog dahil sa muling paglabas ng usok sa mga natupok ng kabahayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply