Biyenan tinarakan ng senglot na manugang

AGAW-BUHAY ang isang mason matapos tarakan ng gunting ng kanyang lasenggong manugang nang sitahin sa lakas ng pagsasalita nito sa Navotas City, iniulat Huwebes ng umaga.

Nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng dalawang saksak ng gunting sa Romeo Alido Cruz, 40, ng Block 39, Lot 24, Phase 1-A, Northbay Boulevard South Navotas City.

Kalaboso naman at nahaharap sa kasong attempted homicide sa Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Bel Lopez, sa nasabing lugar.

Alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa tinitirhan ng biktima at suspek sa nabanggit na lugar.

Bangenge at nagbubungangang umuwi si Lopez at nataong nagpapahinga ang biktima kaya sinaway niya ang manugang at sinabihang matulog na lamang ito.

Sa halip na sumunod ay umusok ang bumbunan ng suspek at kumuha ng gunting saka sinaksak ang biyenan.

Itinakbo sa nasabing pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak habang nadakip ang suspek ng mga rumespondeng barangay tanod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply