BJMP naka-heightened alert

NASA heightened alert status ngayon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Quezon City Jail Annex sa Taguig City dahil sa banta sa buhay ni dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan.

Sinabi ngayon ni BJMP Director Rosendo Dial, ang alerto ay dahil na rin sa pagbabanta sa buhay na natanggap ni Zaldy Ampatuan.

Tiniyak ni Dial na dodoblehin nila ang pinatutupad na seguridad sa kulungan upang hindi makalusot ang sinumang nagbabanta sa buhay ni Zaldy Ampatuan na kamakailan lamang ay nagbulgar sa mga nalalamang dayaan noong 2007 elections at nagprisintang tumestigo laban sa ama at kapatid kaugnay naman ng Maguindanao Massacre case.

Kasama ni Zaldy na nakakulong sa gusali ng BJMP Taguig City ang ama at mga kapatid na pawang mga akusado sa kasong murder dahil sa Maguindanao Massacre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply