‘Black hole’ laban sa lumalalang problema sa basura

MABIBIGYAN na ng solusyon ang problema sa basura hindi lamang sa Benguet, kundi posibleng maging sa Metro Manila kung mapatutunayang epektibo ang waste management technology na nilikha pa sa Japan na tinawag na “black hole.”

Tinatayang aabot sa P58 milyon ang halaga ng teknolohiya na inangkat ng munisipyo ng La Trinidad sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (3P), ayon sa alkalde ng La Trinidad na si Gregorio Abalos.

Nakapagbayad na ang munisipyo sa pamamagitan ng Benguet Cooperative Bank at Zero Waste Management Systems ng P18 milyon sa NGO Support Systems Co. LTD. na may-ari ng “super black hole,” isang teknolohiya na nilikha ng Hapon kung saan gumagamit ng low temperature plasma upang bulukin ang mga basura.

Ang super black hole ay may isang taong warranty at sampung taong technical support.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply