Blazers at Bombers nakapuntos na

NAKAPASOK na sa win column ang College of Saint Benilde at Jose Rizal Bombers nang patumbahin ang Mapua Cardinals at Emilio Aguinaldo Generals kahapon sa FilOil Flying V arena.

Tinabunan ng Blazers sa iskor na 70-67 ang Cardinals habang nagpasabog ng 76 puntos ang Heavy Bombers laban sa Emilio Aguinaldo Generals na naghatid sa EAC sa 1-1 record.

Si Rookie Byron Villarias ang nanguna sa JRC sa scoring para sa pangalawang straight game na tumapos ng 12 points, samantalang si John Lopez ay kumana ng 11 at 11 boards nang kontrolin ng maaga sa pamamagitan ng full court rest. Nagtayo ang Bombers ng 20 point na abante, makalawang beses sa second half na binuweltahan ng Generals at dumikit sa iskor na 50-60 may apat na minuto ang nalalabi.

Magbabaggaan bukas, Biyernes ang Letran Knights laban sa Arellano Chiefs habang magsasagupa ang Lyceum Pirates at ang Emilio Aguinaldo College Generals sa main game alas-kuwatro ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply