BOC, PDEA nagsama kontra droga

GAGAMITIN ng Bureau of Customs ang mga K-9 units ng Philippine Drug Enforcement Agency upang mapalakas ang kampanya ng bansa laban sa mga iligal na droga matapos magkasundo ang dalawang ahensya sa ilalim ng isang memorandum of agreement.

Maliban sa pagsawata sa pagpasok ng mga iligal na droga, inaasahan din na tataas ang antas ng seguridad sa mga lugar na magkakaroon ng mga K-9 units.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, ang mga K-9 units ay magandang pangontra sa mga taong nag-iisip na gamitin ang mga daungan o pantalan sa pag-angkat ng iligal na droga at makapagpabago sa kanilang mga masasamang balak dahil mahuhuli lamang sila ng BOC at PDEA.

Ipupuwesto ang mga K-9 units ng PDEA sa mga RORO ports na siyang konsentrasyon ng mga importasyon papasok ng bansa,dagdag pa ni PDEA Director General Jose Gutierrez. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply