Bodyguard ng Rodriguez Rizal mayor patay sa gunman

PATAY ang retiradong pulis at bodyguard ni Rodriguez Mayor Cecilio “Ka Ilyong” Hernandez matapos pagbabarilin habang nanonood ng car racing sa Rodriguez.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Jovito “Monte” Adriano, 56, ng Brgy. San Isidro, nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:00 ng tanghali sa Sitio Tanag, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na nanonood ng karera ng “4X4 Chalenge” ang biktima nang biglang lapitan ng lone gunman na may bitbit na baril at saka sunod-sunod na pinaputukan ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay humalo sa mga nagtatakbuhang tao ang suspek hanggang sa mawala sa pinangyarihan ng krimen.

Nabatid na maraming pulis na nakatalaga sa nasabing okasyon subalit maging ang mga ito ay walang masabi sa naganap na insidente.

Nabatid pa na ang biktima ay dating nakatalaga sa Intelligence Section ng Rodriguez Police bago pa magretiro sa serbisyo.

Ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 sa ibat-ibang bahagi ng katawan  at namatay sa pinangyarihan ng krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply