Bongbong Marcos umayuda sa mga biktima ng flashflood sa Davao

BILANG tugon sa hindi inaasahang pananalanta ng flashfloods sa barangay sa Davao City, mabilis na nagpadala ng relief goods si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, para sa mga biktima ng kalamidad dulot ng malakas na ulan sa Southern Mindanao.

“Allow me to express my sincerest words of sympathy to you and the people of Davao City especially those barangays that suffered losses and damage wrought by the recent flash floods. On behalf of my staff and my family, allow us to offer our prayers to all the suffering victims so that they may safely return to thier normal lives at the shortest possible time,”  ayon sa pahayag na nakapaloob sa sulat ni  Sen. Marcos kay acting Mayor Rodrigo Duterte nitong Lunes, Hulyo 4, 2011.

Naglalaman ng iba’t ibang gamot at de lata ang kahon-kahong ipinadalang tulong  ng senador sa Davao City  sa mga apektadong pamilya ng flashfloods noong Hunyo 29, 2011 na humagupit sa Talomo district ng Davao City.

Samantala, personal namang dinalaw at namahagi ng relief goods ang mambabatas sa mga biktima rin ng nakalipas na  mudslides na sumalanta sa maraming barangay sa Tacloban City, Leyte.

Kasama ni Sen. Marcos na personal na namahagi ng tulong si Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez at City Mayor Alfred Romualdez, to the families who were adversely affected by the flooding and landslides that hit the city last March 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply