Bonnie Blando, company manager sa Indonesia

MULA sa Jakarta, ang capital at pinakamalaking siyudad ng Indonesia ay nakilala namin ang Pinoy na si Bonnie Blando.

Walang takot na hinarap ang hamon ng buhay sa kabila ng mahirap na pakikipag-ugnayan sa mga ibang lahi.

Tubong Sta. Maria, Pangasinan si Bonnie. Nang makapagtapos ng hayskul ay lumipat sila ng Maynila.

Bago siya lumipad ng Indonesia sa edad na 36 ay nagtatrabaho noon bilang area director sa Coca-Cola export si Bonnie.

Naging maganda ang kanyang pagganap sa trabaho at nabigyan siya ng pagkakataon ng kompanya na magbakasyon sa Jakarta, Indonesia taong 1978.

Nagbakasyon doon si Bonnie ngunit ginampanan pa rin niya ang kanyang suliranin.

“Yung bakasyon noon actually ay may kasamang request na tingnan ko raw yung matter dito ng beer… umikot ako, tiningnan ko nga ang visual market survey. After that nagbigay ako ng comments”

Dahil dito ay nagtuloy-tuloy si Bonnie  na manatili sa Indonesia. ”..Ang nangyari, yung bakasyon na ‘yun, parang 15 days lang naging one year, naging ano, nag tuloy-tuloy.

‘Yun ang naging dahilan. Hindi na rin ako halos nakabalik.”

At dahil tumagal na si Bonnie sa bansa, minabuti ng kanyang kompanya na papuntahin na rin ang kanyang pamilya sa Indonesia. “So summer vacation noon, nagpunta na rito yung family ko.That was already 1979,” kuwento ni Bonnie.

Nagtrabaho si Bonnie bilang market development manager, “Which is a sales manager na.

National sales manager,” paliwanag niya.

Gayunpaman, bago pa lang si Bonnie sa bansa ay nahirapan na siya sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.

“Pinakamahirap na parte rito yung communication because yung mga nasa line na trabaho siyempre ay walang English background, pati nga secretary medyo hirap.

“Halos, aniya, siya ang bumubuo ng konsepto, mula sa plano ay responsibilidad niya ang bawat pagbabago o pagtatama sa mga mali.

Pagkalipas ng apat na taon ay nagretiro na siya sa pinapasukang kompanya. Pero sinubok niya ang pumasok sa Mantara group. “The Mantara group was owned by the 2nd son of the former President. Suharto. Tapos na involved ako roon sa development ng chemical companies nila.

Until such time that I took control of their management and operation of the 7 companies, chemical companies.”

Puno ng pagsubok, aniya, ang pagpasok niya sa Mantara Group dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa kompanya ng mga kemikal kung kaya’t nag-aral at nagsaliksik si Bonnie. “So, during that period I learned to understand the operations of a chemical industry.

Little by little, gradually, they put me directly to the operation until such time I was given companies to operate.”

Tumagal siya ng mahigit 17 taon dahil sa magagandang benepisyong nakukuha na halos lahat ay ibinibigay ng libre basta’t mahusay at masipag ka sa trabaho. “ They provide you a house. They provide you a driver, the cost of your housemates are paid. There was a time that even our groceries were part of the allowances. Everything is paid. Medical need is paid.

Even the education is paid.”

Gayunpaman, ipinamalas niya ang husay at tiyaga niya na matuto sa kabila ng kawalan niya ng kaalaman sa iba pang mga bagay.  Matagumpay na maituturing si Bonnie kaya sa mga nais na maging tulad niya, ito ang kanyang payo, “Kailangan dito ma-develop mo yung patience mo, but of course, you have at least the talent, that intellectual preparation. The most important is your willingness to face all those corporate problems. The key is doing the hard work with a very humble heart, patience and perseverance.”

* * *

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply