Boosters pinusoy ng Aces

NAGPASIKLAB si Jayson Forte ng 36 puntos at humablot ng 16 rebounds para sa Alaska Aces tungo sa pagpusoy sa Petron Blaze Boosters 88-81 sa PBA Governor’s Cup, Linggo ng gabi sa bagong bihis na Smart Araneta Coliseum.

Nagsalitan ng abante ang Aces at ang Boosters hanggang sa kalagitnaan ng fourth quarter at napigilan sina Anthony Grundy, Arwind Santos at Alex Cabagnot habang si Forte ay patuloy sa pananalasa.

Sa second game, tinambakan ng Barangay Ginebra ang sister team na B-Meg Llamados sa iskor na 99-79 para makaangat sa segunda puwesto 6-3 kabuntot ang nangungunang Tropang Texters na tangan ang 7-2 win-loss slate.

Maghaharap sa Miyerkules ang Talk ‘N Text at Rain or Shine alas-5-:30 ng hapon na susundan ng duwelo ng Gin Kings at Petron Blaze Boosters.

Bumuslo sa kanyang 33 puntos si Mark Caguioa at ang import na si Donald Sloan ay kinapos ng isang assist para makumpleto ang triple double na 26 points at 13 rebounds.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply