Boracay ika-4 sa World’s Best Islands

PUMANG-APAT ang Boracay bilang pinakamagandang isla sa buong mundo, base sa isinagawang botohan sa US-based Travel and Leisure Magazine.

Nanguna sa listahan ang Santorini ng Greece (90.61 boto), pumangalawa ang Bali ng Indonesia (90.45 boto), pumangatlo ang Cape Breton Island sa Nova Scotia (89.90 boto) at pumang-apat ang Boracay (89.83 boto).

Isinagawa ang naturang survey noong Disyembre 15, 2010 hanggang Marso 31, 2011 sa mga mambabasa ng naturang prestihiyosong magasin.

Kabilang naman sa Top 10 ang Great Barrier Reef Islands sa Austria (No. 5), Sicily ng Italy (No. 6), Big Island sa Hawaii (No. 7), Kauai Island (No. 8) dating itong ranked 2; Maui Island (No. 9), at ang Galápagos Island (No. 10) at dating ranked number 1.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply