Boss Vic Del Rosario, di na nirespeto ni Vice Ganda

KAYA pala tumawag sa amin ang amiga naming sikat na Diva at may sumbong ito kay Vice Ganda na masama raw ang ugali ng dating stand-up comedian na ito na ngayon ay isa ng sikat na host at artista.

Say pa ni singer, grabe raw kung makapag-utos itong si Vice sa kanyang mga tauhan. Kapag may gusto itong ipagawa o ipaabot sa kanyang alalay talak raw ito nang talak at wala man lang pakisuyo.

Noong una, ayaw naming paniwalaan ang chikang ito na binulong nga ng friendship naming Diva. Kaso, mo nabasa namin sa column ni Mama Jobert Sucaldito sa isang panghapong tabloid (di sa Remate) na binastos-bastos raw ni Vice Ganda itong si Boss Vic del Rosario nang hindi mapagbiyan ang kanyang request na 20 VIP Tickets.

Tapos, noong sabihin sa kanya ni Boss Vic na hindi na makakarating sa kanyang nakaraang concert ang mga alaga ng nasabing produ na sina Sarah Geronimo at Anne Curtis due to other commitments. Nagtatalak raw itong si Vice at nagdemand ng 1 million pesos kay Boss Vic na kapag hindi raw ibinigay sa kanya ay hindi nito sisiputin ang kanyang concert na produced ng Viva.

Talaga bang ganito na ang drama ni Vice? Nalunod na nga ba ang bading sa isang basong tubig? Paging Mama Ogie Diaz speak of the truth and nothing but the truth gyud! Sayang ang ganda-ganda pa naman ng rating ng Gandang Gabi Vice ng baklah, so stop doing this, no?

Derex Dela Fuente Hahataw Ang Career Sa Taong Ito

Magkatuwang sina Claire dela Fuente at Boss Vic del Rosario sa pangangalaga ng career ng baguhang aktor na eldest son ni Ms. Claire na si Derex dela Fuente kaya masasabi nating in good hands siya at agtiyaga lang at magsikap na pagbutihin ang kanyang craft ay siguradong mararating din nito ang fame. Magaganda ang review ng recent TV guestins ni Derex sa GMA 7 panalung-panalo ang looks niya at inahangaan rin ng mga reporter ang pagiging articulate nito manang-mana talaga siya sa kanyang Mommy Claire. Ilan pala sa mga magagandang plano nina Claire at Boss Vic para sa career ni Derex ay ang mabigyan ito ng solo album at i-produce din ng concert sa Music Museum.

Siyempre may mga kinakausap na rin para sa maaring TV project ni Derex.
At type ng newcomer na ito na mapasama siya sa isang teleserye sa Kapuso network na magpapakita ng kanyang acting ability. And given a chance gusto nitong makatrabaho ang maganda at sexy alaga ng kanyang Mom na si Sam Pinto. Ilan sa pinagkakaabalahan ngayon ni Derex ay ang mag-host ng ilang corporate show. Target din ng guwapong singer-actor na magkaroon siya ng endorsement in the future. Why not? Gud!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply