Boy Abunda naniniwalang kailangan ang himala para muling magkaroon ng isang Superstar

THROUGH thick and thin, dikdikin man ng pinung-pino si Boy Abunda ay isisigaw pa rin nito sa buong mundo na isa siyang numero unong tagahanga ni Nora Aunor.  Kitang-kita sa TV at ramdam namin ang kanyang pananabik na muling makita at mayakap ang nag-iisang superstar.

Obviously, malalim ang naging samahan ng dalawa kaya all these years ay nananatili pa rin ang loyalty nito sa aktres. Walang duda na mayroon siyang masidhing dahilan na hindi na namin kailangan itanong dahil kami man, tagahanga pa rin ng aktres hanggang ngayon.

Tiyak ni Boy at ng “The Buzz” na sila ang naka-scoop sa pagbalik-Pinas ng Superstar thru the text message of Alfie Lorenzo. Buong ningning nitong ibinalita na sa Huwebes, July 21, ay nakatakdang babalik ng bansa ang nag-iisang  Superstar.

Hindi man nasabi ng TV host kung sasalubong siya sa airport pero siguradong mayroon siyang gagawing surprise welcome para sa superstar.

Parang nagkaroon tuloy kami ng ideya nang sa bandang huli ng show ay nasabi nitong abangan sa susunod na Linggo ang kanilang pinakamalaking balita na ipapasabog sa The Buzz.

I’ll bet my last penny, may kinalaman ito sa pagbabalik ng Superstar at mga kuwento nitong dala. Kaya abangan!

Kasama pa rin sa mga balita sa The Buzz ang nakaraang concert ni Angeline Quinto sa Sky Dome at isa si Regine Velasquez sa kanyang special guests. Pagkatapos ng kanilang duweto ay biglang adlib ang Asia’s Songbird na tiyak nitong si Angeline na ang susunod na Superstar.

Agad nagbigay ng komento si Boy pagkatapos ng nasabing portion na ayon sa kanya, may nagtanong kung pabor siyang si Angeline na ang susunod na Superstar?

“Kailangan pa ang isang ‘himala’ para magkaroon ng isa pang Superstar!”

Bravo Boy!  Klap, klap!

Tulad ni Boy, isa kami sa naniniwala na nag-iisa lang talaga ang Superstar at lahat naman ay papabor kung sinabi ng buntis na mang-aawit na si Angeline ang susunod sa kanyang yapak. Medyo may hawig sila at hindi magkalayo ang timbre ng boses lalo’t kapwa silang biritera.

Matatandaan na si Nora ay nanalo sa mga singing contest partikular sa Tawag Ng Tanghalan dahil sa kahusayan sa pagkanta. Hindi siya katulad ng ibang winners sa mga reality show na malaki ang porsiyento sa pagkapanalo ang text votes.

The sad part of it, kawawa ‘yung mga karapat-dapat manalo dahil mababa ang kanilang nakuhang text votes.  Kung minamalas-malas pa, agad na-eliminate.

Sa puntong ito, we would like to congratulate Sam Pinto for winning the sexiest woman today based in the FHM survey thru votes.

Yes, Virginia!  It’s votes, votes and more text votes to win.

I pretty remember what my lola said that during their Carnival Queen days, usong-uso ang bilihan ng mga balota. As in, paramihan ng balota na hindi na lalayo sa usung-uso ngayon sa mga contest, reality show man or beauty contest.

Yes, the name of the game is text voting! Kaya kailangan makabili ng maraming cards para makaboto.

Kaya lang, medyo turn off kami sa interview kay Sam dahil hindi umano nito expected na manalo dahil last year ay 32nd placer lang siya pero ngayon, mataas ang kanyang inilundag, siya na ang number one.

C’mon Ms. Pinto, wala ka ba talagang kaalam-alam na based on text voting ang FHM sexiest?

Ayon sa tsika, hindi lang naman si Sam ang pinalakpakan sa victory show. Malakas din daw ang palakpak kina Katrina Halili at Iwa Moto. Hence, hindi ka nag-iisa!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply