BPI bank nilooban ng 10 kawatan sa QC

SAMPUNG armadong holdaper na pawang naka-bonnet ang nanloob sa BPI bank sa Bgy.  Holy Spirit,  Quezon City kaninang hapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 6-Batasan, 4:20 ng hapon kanina nang pasukin ng mga suspek ang BPI bank branch Don Antonio, Commonwealth Avenue,  Bgy. Holy Spirit, QC.

Ayon sa pulisya, pawang armado ng matataas na kalibre ng baril na M14, M16,  M203 ang mga suspek na pawang naka-bonnet.

Hindi pa matiyak kung may natangay na pera ang mga suspek sa kanilang pagtakas o kung nabuksan ang vault ng bangko.

Nabatid pa na habang papatakas ang mga suspek ay nagpaputok pa ang ito dahilan para hindi maabutan ng mga rumespondeng mga pulis.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply