BPI sa QC hinoldap ng armadong kalalakihan

PUWERSAHANG pinasok Biyernes ng hapon ng mga armadong kalalakihan ang isang sangay ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Quezon City at tinangay ang hindi pa mabatid na halaga ng pera sa mga cashier dito.

Base sa imbestigasyon, pilit na binubuksan ng mga suspek ang valt subalit nang hindi madistrangka ay mabilis nilang nilimas ang pera sa mga cashier bago nilisan ang bangko.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente ganap 4:30 ng hapon sa may BPI Commonwealth branch sa may kanto ng Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirits.

Sinasabing tatlo sa mga suspek ang pumasok sa bangko at nagdeklara ng holdap habang ang apat na kasamahan nito ay nagsilbing lookout.

Ayon pa sa imbestigasyon, agad na tinutukan ng baril ng tatlong suspek ang mga cashier ng bangko at sinamsam ang mga perang nasa drawer nito.

Matapos na makuha ang pera ay agad na lumabas ang mga ito upang tumakas ngunit nakasalubong nila ang mga nagpapatrulyang tropa ng pulisya ng QCPD na naging sanhi ng engkwentro.

Gayunman, nakatakas pa rin ang mga suspek sakay ng L-300 van, Toyota Revo at Mitsubishi adventure patungong Philcoa.

Dahil sa pangyayari, nakaalerto ang buong kapulisan para sa agarang pagsakote sa mga tumatakas na suspek.

Patuloy namang nakikipagkoordina ang QCPD sa management ng naturang bangko upang mabatid ang halaga ng nakulimbat dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply