Bracketing sa FIBA-ASIA dadaanin sa bunutan

PARARAANIN sa palabunutan ang paggugrupo ng 26th FIBA-ASIA Championship na naka-iskedyul sa Wuhan Sports Center sa Wuhan, China sa Hulyo 6.

May inisyal na 15 teams na kumpirmadong kalahok sa torneo na tatayong kwalipaying sa solong slot na nakaukol sa Asya para sa 2012 London Olympics sa larangan ng men’s basketball.

Ang FIBA-ASIA ay nakatakdang ganapin sa Setyembre 15-25. May insiyentibo ang pangalawa at pangatlong makakakuha ng pwesto sa torneo na maglalaban sa wildcard game na isasalang ng FIBA.

Pangungunahan ng defending titleholder Iran, host na China, Lebanon, South Korea, Japan, Chinese-Taipei, Indonesia, Malaysia, Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Syria, Jordan at Pilipinas ang grupong sinigurong lalahok sa paligsahan.

May dalawa pang team ang hinihintay na makumpirma ang pagsali kasunod ng labanan ng Uzbekistan, Afghanistan, Turkmenistan at Khazakhstan na maglalaban-laban sa Naboi para sa sub-zone ng Gitnang Silangan habang ang ibang qualifiers ay paglalabanan ng koponan ng India, Bangladesh at Pakistan. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply