Brgy. Captain tinambangan, tepok

PATAY ang isang barangay kapitan makarang tambangan ng nakasakay ng motorsiklo kasama ang asawa nito habang binabaybay ang kahabaan ng Quezon, Bukidnon.

Nabatid na papauwi ang biktima na dating army officer Raul Cagalawan, kapitan sa Brgy. Linabo ng nasabing bayan kasama ang kanyang asawa nang biglang harangin ng mga armadong kalalakihan na nakasakay din sa motorsiklo.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya kung ano ang motibo ng mga salarin sa pagpaslang at kung sino ang nasa likod ng pangyayari.

Samantala, suwerte namang nakaligtas ang asawa ng biktima dahil hindi umano ito tinarget ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply