Brillantes iimbestigahan ang dayaan sa 2007 election

KUMIKILOS na ngayon si Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes para imbestigahan ang umano’y naganap na malakang dayaan sa eleksyon noong 2007 senatorial elections sa Maguindanao.

Ang imbestigasyon ay kaugnay sa pagsisiwalat ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Zaldy Ampatuan na inutusan siyang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nito na manipulahin ang hahalalan para sa 2007 senatorial election.

Batay sa dalawang pahinang deklarasyon, sinabi ng dating gobernador na handa siyang mag-testify na ang mga Arroyo ang nag-utos sa kanyang amang si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr. na siguruhin na ang tatlong oposisyonng senador ay walang makukuhang boto sa naturang lalawigan.

Hindi lamang umano si dating Arroyo ang politikong nakinabang at nagmanipula ng sistemang pandaraya sa ARMM.

Ayon pa kay Zaldy, ang dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo ang nagpatawag sa kanyang ama para sa isang meeting noong nakaraang Enero o Pebrero taong 2007 sa Makati City.

Ang pagpupulong umano ay ginanap sa isa sa mga gusali ng mga Arroyo sa LTA Tower.

Sa pagpupulong sinabi ni  Zaldy na inatasan ni  Mike Arroyo ang kanyang ama na si Andal Sr. na tiyakin na si dating senator at kasalukuyang Pangulong Benigno Aquino III ay hindi makakukuha ng kahit isang boto.

Ayon pa kay Zaldy binigyan ang kanyang ama ng P3 milyon bilang paunang bayad para sa naturang operasyon at sinabi pa na si dating provincial engineer Norie Unas ay naroroon din sa ginanap na meeting.

Bukod dito nakaroon din umano ng pagpupulong sa Century Park Hotel, at itinanong pa ni Zaldy ang ama kung bakit inuutusan siya ng mga Arroyo na tiyaking walang makukuhang boto ang tatlong senador.

Sina Pangulong Aquino at Senators Panfilo “Ping” Lacson at Alan Peter Cayetano ang target ng operasyon ng pandaraya.

Ayon kay Zaldy pinuntirya umano si “Ping, dahil masyado umano itong binabanatan si First Gentleman at GMA at ang boto para sa tatlong senador ay inilagay para kay senador Juan Miguel Zubiri.

“The votes of the three were given to Juan Miguel Zubiri who, in the final results in Maguindanao, garnered the highest number of votes,” Ani Zaldy.

Inihayag pa ni Zaldy na isang Bong Serrano, na  executive assistant ni dating  presidential spokesperson Gabby Claudio, ang kumikilos para kay dating Pangulong Arroyo at siya ring nagdala sa Maguindano ng halagang P30-P40 milyon at mga  official ballots na gagamitin kapalit ng ballot sa canvassing boto sa 2007 elections. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply