Broken-hearted si Sarah Lahbati kay Enzo

VERSION ni Sarah Lahbati nang makatsikahan namin sa presscon ng Time of My Life sa studio 6, GMA 7 last Tuesday na pinormahan (niligawan) siya ni Enzo.

Magmula raw nang magsama sila sa Starstruck ay sila na ang magkasama at nagbibiruan kaya nagtaka raw siya nang mabalitaang pinopormahan ni Enzo si Louise delos Reyes.

Ask ko kasi si Sarah kung hindi ba siya nasaktan nang malaman na nililigawan ni Enzo si Louise?

“Nagselos lang po. Kasi akala ko…. Pero nang malaman ko nga na pinormahan niya si Louise ay kinausap ko siya. Hindi naman niya itinanggi,” say ni Sarah.

Inamin pa ni Sarah na tini-treasure niya ang mga regalo sa kanya ni Enzo at tinanggap na hindi nga sila para sa isa`t-isa.

May nanliligaw kay Sarah na taga-Dos pero ayaw niyang ibulgar kung sinong bagets ito.

Ang hindi niya naitagong sabihin ay pangalan ng crush niya na si Alden Richards.

“Nagkasama kami ni Alden sa Starstruck pero hindi siya nakasama sa top 12 dahil natanggal na siya. Sabi ko sa kanya na huwag mawalan ng loob dahil mapalad na nakapasok sa reality artista search at ipagpatuloy ang anumang pangarap sa buhay,” pagbubuko pa ni Sarah.

Samantala, hindi rin itinanggi ni Sarah na nagulat siya sa role na kontrabida dahil pangarap niya ay magkaroon ng sariling drama TV series na siya ang bida.

Pero nang sabihin sa kanya ang role na gagampanan niya sa Time of My Life ay very challenging ay hindi na siya nag-inarte dahil yun ang kailangan niyang experience para masanay sa drama.

***

SA MORNING talk show ni Kris Aquino naipaliwanag niya kung bakit sila magkatabi sa upuan ni Makati Mayor Junjun Binay sa SONA (state of the nation address) ni President Noynoy Aquino.

Sabi ni Kris, dapat daw si Vice Ganda ang katabi niya pero hindi nakarating ang kaibigan dahil may palpitation. Si Mayor Junjun ay nakaupo raw sa row nila pero mga tatlong tao ang pagitan nila.

Napansin daw ng utol ni Kris na si Balsy na panay ang dukwang sa kanila ni Mayor habang nakaupo kaya inalok daw ito ng kapatid na baka gusto nitong tumabi sa seat next to Kris.

Kaagad naman daw pumayag ang mayor ng Makati kaya nagkatabi sila. At ayon kay Kris dahil dito ay nagkausap na sila kaya okey na sila.

Dahil nagkausap na sila ni Mayor Junjun and to prove na okey na sila ay nagkaroon ng phone patch interview si Mayor Binay sa show.

On air sinabi ni Mayor na humihingi siya ng dispensa kay Kris for being insensitive.

Say ni Kris, “O, friends na tayo ulit.”

Sagot naman ni Mayor,” Dati naman tayong friends.”

“Hindi! Kahapon lang ulit,” sagot naman ni Kris.

At the end of the interview ay hiniling ni Kris na mag-guest din ang pulitiko sa show niya para ipakita na nagkaayos na sila na kaagad din naman nitong inoohan.

Sa kaniyang morning show din inihayag ni Kris na may meeting siya that afternoon kay Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films. Pumayag na raw ang ABS CBN na gumawa siya ng pelikula sa film arm ng kabilang network next year.

***

KAHAPON (Wednesday) ginanap ang live show ng Comedy Bar para sa kanilang two part first anniversary presentation na ginawa sa Zirkoh Tomas Morato.

May ticket sale ang show dahil talagang show ang mapapanood na nagtatampok kina Eugene Domingo, Allan K with guests na sina Jose Manalo at Wally Bayola na magiging stand up comedian.

May production number din sina Fabio Ide at Daniel Matsunaga. Special guest si Mike Tan at pumayag ding lumabas at mag-guest ang controversial na si Amanda Coling na gusto palang mag-artista.

Mapapanood ang part 1, na kaaliw na pinaggagawa ng CB barkada sa Sabado (July 30) sa GMA 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply