Pagkalat ng pekeng P100 bills ibinabala ng BSP

NAGBABALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaugnay ng lumalaganap na pekeng P100 bill.

Bagama’t hindi pa lubusang naipalalabas ang bagong P100 papel, mayroon na agad umano itong kopyang huwad na panaka-nakang isinisingit sa perang papel.

Batay sa pahayag ng awtoridad, mayroon nang pekeng P20, P50 at P100 bills ang kumakalat ngayon.

Ayon sa BSP, madaling mahahalata  kung peke ang isang P100 bill dahil wala itong security thread, watermarks at malabo ang pagkakakopya.

Ayon kay Maja Garcia Malic, cash department manager ng BSP, bukod sa huwad na salapi, laganap din ang iba pang pekeng produkto sa buong Piilipinas.

Batay sa pag-aaral ng Intellectual Property Office, ang mga produktong mula sa France na may tatak na Louis Vuitton ang nangungunang pinipirata sa bansa.

Kabilang sa mga hinuhuwad na produkto sa bansa ay ang Lacoste, Oakley, Tribal, Jag, at computer software, pati na ang ink cartridges.

Batay sa talaan, mula Enero hanggang Mayo 2011, umaabot sa halagang P1.71 bilyon ang mga pekeng produktong nakumpiska ng awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply