Bugoy Drilon ipinangangalandakan sa buong mundo na lalaki siya!!!

SIMULA nang mag-umpisa at hanggang ngayon, marami pa rin ang kumukwestyon sa pagkalalaki ng singer na si Bugoy Drillon. Halos karamihan ay nagsasabi na may pagka-bading ito. Pero ang singer ay hindi napipikon sa mga akusasyon sa kanyang pagkalalaki dahil sigurado daw siyang lalaki siya at kilalang-kilala niya ang kanyang sarili.

Sa totoo lang, hindi gaanong alam ng karamihan na may karelasyon ngayon si Bugoy sa rati niyang kasamahan sa PDA sa Channel 2 na si Liezel. Nung nakaraang show ni Bugoy sa Zirkoh ay naroon si Leizel at naanood ng show nito. Tinawag pa nga niya ito at na umakyat sa stage para mag-duet sila ng isang kanta.

Bago kumanta ang dalawa ay marami ang nagsisigaw kung ano ang kanilang relasyon.  Sagot naman ni Bugoy ay “Secret.. Malalaman nyo na lang mamaya.”

Habang kumakanta ang dalawa ay tahimik ang mga taong nanonood sa dalawa.

Ngunit nagulat na lang ang mga naroon nang i-lips to lips niya si Liezel sa stage.

Nagulat ang mga naroon. Ang eksenang yun ang sagot ni Bugoy sa mga kumukwestyon ng kanyang pagkalalaki.

Hindi man sinagot ni Bugoy kung may relasyon sila o wala ni Liezel pero sinasagot naman ang mga tanong ng mga tao sa pamamagitan ng ginagawa niya rito sa entablado.

***

SINO itong baguhang male singer na napakagaling kumanta. In fact nagkaroon na siya ng sariling album. Kaya lang walang bumili dahil puro pangit ang laman nito. Pero in fairness sa kanya, mala-Jed Madela ang kanyang boses lalo na kapag kinakanta niya ang medley ng Air Supply na talaga namang pahahangain ka kapag narinig mo ang version niya. Palagi siyang pinapalakpakan sa mga shows dahil super galing nga niya kumanta. kaya lang, kapag nakikita mo naman ang hitsura niyang mukhang kargador, marumi ang skin at tila hindi naliligo ang dating nito. (In fairness, mas gwaping naman siya kay Baldivino at kay Marcelito, noh? Hahahahaha! – Ed)

Kapag kinukuhang guest itong si male singer sa isang show, todo bili ng tiket ang kanyang manager. Pero ang di napapansin ni manager, super dugyot ng hitsura ng kanyang laga kapg kumakanta na ito.

Napakaganda nga sana ng boses, kaya lang kapag tinitigan mo naman ang hitsura nawawala na yung magandang boses dahil nakaka-turn off ang kanyang hitsura.

Paulit-ulit ang damit nito na isinusuot sa show.

Idagdag pa dito ang kutis niya na magaspang pa sa Halow blocks.

Kawawa naman ang singer na ito. May potential sana itonng sumikat kaya lang hindi marunong ang tumatayong manager nito.

Sayang! (Hahahahahaha! Lukring ka talaga, Benny. Gwaping naman siya at makinis. Moreno nga lang – Ed)

***

KABADO na si Melay Cantiveros at Jason Fransisco sa kanilang pelikula dahil may dambuhalang pelikulang makatatapat nito. Showing na rin ang pinakamalaking pelikula ng Hollywood na “Harry Potter.” Ito lang naman ang makakatapat ng pelikula nang dalawa.

Kaya naman nakikiusap ang dalawa sa kanilang mga tagahanga na huwag silang pababayaan at suportahan sila sa kauna-unahang pelikula nilang dalawa.

Dito masusukat kung may appeal nga ba sa box office ang dalawang ito. Kaya lang, kulang sa publicity ang pelikula kaya siguradong makaaapekto rin sa pelikula ang pagtitipd na ginawa ng production.

Sana ibinuhos na ang suporta sa pelikulang ito para bongga ang result din.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply