Building sa Norway sumabog: Pinoy ligtas — DFA

LAKING pasasalamat ng Department of Foreign Affairs na hanggang sa ngayon ay wala pang naiuulat sa kanila na Pinoy na nadamay sa pagsabog sa isang government center building sa Oslo, Norway.

“Nakipag-connect na tayo sa ating embahada doon sa Oslo. So far ang report ay walang Filipino na affected sa mga pangyayaring ito,” ayon kay DFA Spokesperson Raul Hernandez.

Nabatid na patuloy ang ginagawang komunikasyon ng DFA sa ating embahada sa naturang lugar upang i-monitor ang mga kaganapan at kalagayan ng ating mga kababayan na nakatira roon.

“Ang ating embahada is closely monitoring the issue and they have been assuring me na walang Filipinos na namatay o nasugatan sa bombings na ito,” dagdad pa ni Hernandez.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply