Bukas-Kotse Gang muling nambiktima

UMARANGKADA na naman ang Bukas-Kotse Gang matapos na mabiktima ang isang 29-anyos na lalaki habang nakaparada ang kanyang sasakyan sa Sta. Cruz, Maynila Linggo ng gabi.

Dumulog sa Manila Police District-Police Station 3 ang biktima na si Darwin Echeche, residente ng Block 97 Lot 3 Mary Cris Complex, General Trias, Cavite, upang ireport ang insidente.

Sa ulat ng PS3, dakong 8:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa may kahabaan ng Dimasalang at Lacson sts., Sta.Cruz, Maynila.

Nabatid na ipinarada umano ni Echeche ang kanyang kotse sa lugar. Nang balikan niya ito makalipas ang ilang sandali ay nagulat na lamang si Echeche na may kakaiba sa kanyang kotse.

Nang inspeksyunin niya ang mga mahahalaga niyang gamit ay nawawala na ang kanyang laptop na nagkakahalaga ng P50,000 at iba pang mahahalagang gamit na nakalagay din sa loob ng kanyang kotse.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad upang masukol ang suspek o kung sinumang nagpakana ng krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply