Bulldogs sinuwag ng Tamaraws

RUMATSADA ang Far Eastern University Tamaraws sa kanilang ikatlong panalo sa UAAP Men’s Basketball nang suwagin ang National Univerisity Bulldogs sa iskor na 62-59 Linggo ng hapon sa Philippine FilSports Arena.

Sa kanilang 3-1 win loss slate nakabuntot ang Morayta base dribblers sa bumabanderang Ateneo Blue Eagles na may malinis na apat panalo.

Tampok sa laro ang pambato ni Coach Bert Flores na sina RR Garcia na tumipa ng 17 puntos at Aldrex Ramos na bukod sa 9 puntos ay nakahablot ng 11 boards.

Sina Bulldogs Bobby Parks Jr at Emmanuel MB ay nakagawa lang ng 11 at 3 ayon sa pagkakasunod sa ikatlong pagkatalo ng Sampaloc base dribblers.

Magaan namang itinala ng Adamson Falcons ang 81-71 panalo laban sa University of Sto. Thomas Tigers tungo sa pagpantay nila sa 2-1 record na naglagay sa kanila sa tersero puwesto ng torneo.

Balik sa FilSports Arena ang isang double header games sa Huwebes sa pagitan ng Adamson Falcons at University of the East Red Warriords na susundan ng banggaan ng La Salles Green Archers at National University Bulldogs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply