Medical bulletin ni Zaldy Ampatuan inilabas na

NAGLABAS na ng medical bulletin ang doktor ni Zaldy Ampatuan sa Philippine Heart Center, ngayong gabi.

Ayon sa cardiologist ni Zaldy na si Dr. Danilo Kuison, ano mang oras ay ilalabas nila ang medical abstract ni Zaldy para hilingin ang ilang araw pang pananatili nito sa pagamutan para sa iba pang serye ng medical checkup.

Nabatid sa doktor ni Zaldy na may palya ang puso ni Ampatuan o hindi regular ang sirkulasyon ng kanyang dugo kaya kailangan pa siyang isalang sa iba pang pagsusuri.

Hati naman ang reaksyon ng mga pasyente ng Philippine Heart Center  na karamihan ay nangangamba para sa kanilang seguridad.

Sakaling manatili ng ilang araw sa PHC si Ampatuan, siniguro naman ng administrasyon ng ospital na mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply