Bulwagang Filipino Restaurant kinasuhan ng tax evasion

SINAMPAHAN ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ang Bulwagang Filipino Restaurant Inc. at mga corporate officer ng kumpanya.

Kasama ring pinakasuhan ang Registry of Deeds of Manila dahil sa ginawa nitong paglilipat ng titulo ng isang lupain at improvements nito ng walang Certificate Authorizing Registration (CAR) mula sa BIR at hindi naipagbayad ng internal revenue taxes sa pagbenta ng lupain noong taxable year 2008.

Kabilang sa mga corporate officer na kinasuhan ay sina Ma. Cristina Munoz, Roque Munoz, Catherine Munoz at Benjamin Aquino dahil sa di pagbabayad ng buwis at pagbebenta ng naturang lupain sa Maynila.

Kinasuhan din ng tax evasion si Atty. Marissa Timones, Registry of Deeds of Manila, dahil sa pagrerehistro ng lupa ng kulang sa kaukulang dokumento

Bukod dito, pinagbabayad din ang Bulwagang Filipino ng P31.71 milyon bilang deficiency taxes noong 2008 kasama na ang surcharges at interests.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply