Bumagsak sa PRC mas marami pa sa pumasa

SA ISANG college graduate, kailangan munang makapasa sa propesyonal na pagsusulit bago maging ganap na propesyonal para makakuha ng magandang trabaho.

Sa kaso ng mga nagsipagtapos sa kolehiyo noong 2010, malaking bilang sa kanila ang hindi nakapasa sa professional examination na ibinigay ng Professional Regulatory Commission (PRC).

Sa statistics ng PRC, sa 345,182 college at technical school graduates na kumuha ng iba’t-ibang professional eligibility sa nakaraang taon, 125,419 o 36.3 porsiyento lamang ang nakapasa.

Dahil dito, naghain ng House Bill no. 1160 ni Rep. Arnel Ty (Party list-LPGMA) na humihiling sa House Committee on Higher Education Civil Service at Professional Regulatory upang silipin kung ano ang naging kakulangan sa pagsasagawa ng pagsusulit.

Ang statistics ng PRC ay base sa naging resulta ng licensure examination para sa 45 grupo ng propesyonal.

“Kapag walang eligibility, maraming graduates ang malamang walang trabaho, mababa ang nakuhang trabaho at hindi angkop sa kanilang pinag-aralan,” wika ni Ty. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply