Buntis, 3 pa, sugatan sa sunog sa Cebu

APAT katao ang sugatan makaraang masunog ang isang residential area sa Sityo Looban at Villa Gonzalo II sa Barangay Tejero Cebu City kagabi, Hulyo 9.

Nabatid na kasama sa sugatan ang isang buntis matapos magmadaling makalabas ng kanilang bahay na nasusunog.

Ayon sa ulat, umabot sa general alarm ang naturang sunog kung saan mahigit sa 10 fire truck ang nagtulungan upang maapula ang apoy.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga bombero, itinuturong sa tangke ng liquified petroleum gas (LPG) ang pinagmulan ng sunog matapos itong sumabog sa bahay ng isang Melchor dela Cruz.

Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan sa nasabing barangay.

Kasalukuyang inaalam ang halaga ng mga nasirang ari-arian.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply