Buntis na Pinay patay sa aksidente sa Doha

APAT katao ang patay kabilang ang isang walong buwang buntis na Filipina nurse at isa pang Pinay habang 10 pa ang sugatan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang minibus sa Doha, Qatar, Lunes, Hulyo 4.

Nabatid na naisugod si Marianne Cabuay, walong buwang buntis sa Hamad Mediy cal Corporation (HMC) ngunit binawian din ng buhay habang ang isa pang Filipina na nakilalang si Claryvil Miranda ay namatay matapos ang aksidente.

Ayon sa inisyal na report, kabilang pa sa nasawi ang isang Danny Thomas, 34-anyos na Indian nurse at isang nagngangalang Mohamed Nasruddin Ahmed, 36, pawang nagtatrabaho sa isang ospital sa Al Khor, Doha, Qatar .

Ayon pa sa report, papasok sana sa kanilang trabaho sa Al Khor hospital ang mga biktima pasado alas sais ng umaga nang sumabog ang gulong ng sinasakyan nilang mini bus na minamaneho ni Mohamed Bashir. Dahil dito, biglaang itinabi ng driver ang sasakyan na ikinabaliktad nito.

Nagtamo ang driver ng bali sa kanyang kanang balikat at kasalukuyang nasa emergency medical care habang ang isang biktima ay nasa kritikal na kondisyon at nasa intensive care unit ng Hamad Mediy cal Corporation (HMC).

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ngayon ng awtoridad ang naganap na insidente.

“We are in contact with the families of those involved in the tragic accident,” ayon sa pahayag ng pamunuan ng HMC.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply