BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-anim na labas

KUNG mamasukang sekretarya si Hazel, malamang na gawin lang siyang kabit ng boss niya dahil wala siyang alam.

Bukod dito, ayaw niya sa ganitong trabaho na utusan ang magiging papel at maliit pa ang suweldo.

Iisa lang ang alam niyang trabaho na puwede siyang kumita ng malaking pera.

Sa beerhouse …

GRO o bold dancer ang magiging hanapbuhay.

Hindi pa siya sure kung ano ang magiging desisyon.

Bahala na bukas …

Ipinakit ni Hazel ang mga mata at natulog na sa tabi ni Joven.

Sa mga sandaling iyon, hindi dalawin ng antok si Joseph.

Hindi niya malaman kung matutuwa o malulungkot sa bago niyang hanapbuhay …

Wala na siyang ipinag-iba sa mga kalapating mababa ang lipad …

Katawan ang ginagamit na panghanapbuhay.

Pero wala siyang magagawa …

Makakapamili pa ba siya ng trabaho na malaki ang kita sa kalagayan niya na isang bulag?

Kung sa pagiging macho dancer siya kikita, okey lang.

Pero may pangarap si Joseph.

Dalawa ang gusto niyang ma-accomplish sa kanyang buhay.

Ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak na si Angel at maipaopera ang kanyang mga mata para muling makakita.

Hindi niya alam kung paano matutupad ang kanyang mga pangarap.

Bahala na lang …

Basta’t pagbubutihin na lang niya ang pagsasayaw para kumita ng malaking pera.

Umaga na …

Naririnig na niya ang potpot ng nakabisekletang nagtitinda ng pandesal sa labas.

Nagsasalimbayan na ang ugong ng mga sasakyan kabilang ang tumatakbong tren sa ‘di kalayuan.

Kailangang matulog siya para makabawi ng lakas para sa muling pagpasok sa gaybar pagdating ng gabi.

Lampas tanghali na nang magising si Joseph.

Nakaluto na ng tanghalian si Aris …

Ipinaghain niya ang bulag …

“Si Angel?” tanong niya.

“Naglalaro sa labas. Tapos na kaming kumain,” sagot ni Aris.

Pakapa-kapa na tahimik na kumain si Joseph.

Bandang hapon, inakay ng bading ang bulag patungo sa banyo.

“Nasa sampayan ang brief at tuwalya na gagamitin mo matapos maligo. Maghanda ka na dahil lalakas na tayo mamaya!” sabi ni Aris sa bulag.

Walang imik na naligo si Joseph …

Nang dumating ang hapon, muling inihabilin ng bading si Angel sa kanilang kapitbahay.

Wala kasi itong kasama sa apartment mamayang gabi dahil pupunta na sila ng ama nito sa trabaho.

Mukhang tama ang may-ari na dudumuging ng mga kostumer ang kanyang gaybar dahil sa pagpasok ng bulag na macho dancer.

“Ang daming tao. Mas marami kaysa kagabi,” sabi ni Aris kay Joseph habang akay ito patungo sa dressing room. “At ikaw ang dahilan nito.”

“Nagkataon lang siguro iyon,” sagot naman ng bulag.

“Matagal ko nang alam kung paano ang ikot ng mundo sa ganitong uri ng trabaho. Kapag may bago at may magandang ipakikita, tiyak na dudumugin ng mga kostumer.”

Mabuti kung ganoon. Kapag lumaki ang kita ng beerhouse, daragdagan ni Mr. Ching ang bayad sa akin. Pangako niya iyon,” sabi ni Joseph kay Aris.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply