BURLESK KING (libre tingin, bawal salingin) Ika-apat labas

TULUYAN nang tinanggal ni Joseph ang kanyang brief …

Ganap na ibinuyangyang ang matinding asset …

Gulat ang mga manonood…

Hindi makapaniwala na may Pinoy na nagtataglay nang ganito kalaking armas.

Nagpista ang mga bading at matrona sa kargada ni Joseph …

May mga hindi nakatiis na hindi kunan ng souvenir photo ang nakabuyangyang niyang kargada na sa bawat galaw niya ay humahalibas sa hangin.

Tuwang-tuwa ang lahat …

Enjoy na enjoy sa napanood…

Sa pagtatapos ng pagsasayaw ni Joseph, sumambulat ang malakas na palakpakan at sigawan.

Nang biglang mamatay ang ilaw…

Kinuha na ng baklang alalay ang bulag na macho dancer at inakay patungo sa back stage.

Nang bumalik ang liwanag sa stage, wala na si Joseph.

Nagkanya-kanyang tawag ang mga mayayamang bading at matrona sa kanilang waiter.

Pataasan sila ng tip para mai-table ang dakotang macho dancer.

Pero nabigo sila.

Hindi puwedeng i-table ninuman si Joseph.

Ganoon ang kasunduan nila ng may-ari ng gay bar.

Nasa loob ng opisina ni Mr. Ching ang dalawa.

Tuwang-tuwa ang may-ari.

“Unang gabi mo pa lang, klik na kaagad ang bata mo, Aris. Naniniwala ako na simula sa gabing ito, dudumugin ng mga kostumer ang gaybar,” aniya.

“Ganyan din ang palagay ko, Sir. Ang gusto ko lang sana, mabayaran nang tama si Joseph.

Nagsasakripisyo siyang magbilad ng katawan alang-alang sa kanyang anak,” sabi ni Aris.

“Huwag kang mag-alala. Hindi ako maramot sa mga taong nakakatulong sa pag-unlad ng negosyo,” nakangiting sagot naman ni Mr. Ching.

Sa unang salang ni Joseph sa gaybar, babayaran siya ng sampung libong piso ng may-ari.

May pangako ang una.

“Kapag lumakas ang kita ng gaybar. Daragdagan ko ang bayad sa iyong alaga,” sabi ni Mr. Ching.

“Thank you, Sir!” tuwang-tuwang sabi ni Aris.

Sa buong magdamag, tatlong beses na nagsayaw si Joseph.

Mag-uumaga na nang sila ay umuwi.

Dumaan muna sila sa isang pansiterya at nagpaluto ng pansit.

Matapos ito, sa isang bakery naman sila dumaan at bumili ng hot pandesal.

Bago matulog, gusto ni Joseph na may pagsaluhan sila kasama ang anak na si Angel.

Habang lulan ng taksi, kausap ng bulag si Aris.

“Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa tulong na ginawa mo para sa aming mag-ama, Aris,” sabi ni Joseph sa bading.

“Wala iyon! Naawa kasi ako sa anak mong si Angel kaya tinulungan kita,” sagot naman ng una.

“Gusto kong makaganti ng utang na loob sa iyo. Kung may gusto kang hilingin sa akin na kaya kong ibigay, sabihin mo lang at hindi ako mag-dadalawang isip na ibigay,” patuloy ng bulag.
Napalunok ng tuyo si Aris…

Ang naglalaro sa kanyang isipan, ang nakalawit sa harapan ni Joseph na todong pinalakpakan ng mga manonood habang nagsasayaw sa stage kanina.

Kung ito kaya ang hilingin niya kapalit ng pag-aaksaya niya ng panahon sa mag-ama, ibibigay kaya ng bulag.

“Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo kapalit nang pagtulong ko sa inyong mag-ama ni Angel?” tanong ng baklang si Aris. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply