BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-limang labas

“KUNG kailangan mo ang katawan ko, handa ako na ipagkaloob ito sa iyo,” matatag na sagot ng bulag sa bading na alalay.

Napangiti si Aris.

“Iniisip mo ba na ang dakota mong kargada ang hihingin kong reward?” tanong ng bading.

“Hindi! Pero kung ito ang kailangan mo, ibibigay ko sa iyo.”

Malalim na napabuntong hininga si Aris.

“Ang baba pala ng pagkakilala mo sa akin, Joseph. Tama na isa akong bakla pero hindi oportunista. Bukal sa puso ko ang pagtulong sa inyong mag-ama at hindi ako naghihintay ng anumang kapalit,” matapat na sagot ng una.

Mabilis namang humingi ng paumanhin si Joseph.

“I’m sorry kung nagkamali ako nang pagkakilala sa iyo. Huwag ka sanang magbago, Aris,” sabi niya.

“Okey lang! Ang misyon ko ngayon sa buhay, ang matulungan kayo ni Angel. Iyon lang,” nakangiting sagot naman ng bading.

Natapos ang kanilang pag-uusap nang makarating sila sa apartment na tinutuluyan ni Aris.

Tumawag sa kapit-kuwarto ang bading para kunin ang bata na inihabilin.

Tuwang-tuwa si Angela ng makita ang ama.

“Bakit ngayon lang kayo dumating? Saan ba kayo galing?” tanong ng bata.

“Sa trabaho!” sagot ni Joseph.

“Ano’ng trabaho?” kulit ng bata.

Biglang nag-isip ng isasagot ang ama.

Si Aris na ang sumagot sa tanong ng bata.

“Sa restoran!” aniya.

“Ano ang naging trabaho niya roon ay bulag si itay?” tanong pa ni Angel.

“Tagahugas ng pinggan,” sabi ni Aris.

“Buti hindi nakakabasag ng plato ang itay!”

“Sanayan lang iyon! Tama na ang pagtatanong. Lalamig ang pansit at pandesal na binili namin. Kumain muna tayo bago matulog,” sabi ng bading.

Tuwang-tuwa si Angel.

Paborito ng bata ang pansit.

SA mga sandaling iyon, gising pa si Hazel pero tulog na ang sinamahang lalaki na si Joven.

Katatapos lang nilang magtalik ng huli.

Badtrip ang babae dahil bitin siya kay Joven.

Sa init, wala siyang masabi sa lalaki pero pagdating sa size, kamote ang score nito kung ikukumpara sa asawang si Joseph.

Malaki na ang kargada nito, pang-marathon pa ang taglay na resistensiya.

Solb na solb siya sa asawa.

Kung hindi lang ito nabulag, hindi niya iiwanan.

Natakot siya na maghirap kaya naisipang pumatol sa ibang lalaki.

Pero nagkamali siya sa pagpatol kay Joven.

Akala niya’y mayaman pero hindi pala.

Ang magarang kotse na ginagamit nito noong nangliligaw pa sa kanya, hiram lang pala sa mayamang pinsan.

Wala rin siyang permanenteng hanapbuhay.

Magkapera o hindi ang drama ng kumag.

At para mapunuan ang kanilang pangangailangan, inuutusan na siya ng karelasyon na maghanap ng trabaho.

Maganda siya at seksi pero hindi tapos ng pag-aaral.

Ano’ng klaseng trabaho ang puwede niyang pasukan? Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply