BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-siyam na labas

HINDI na nagsalita pa si Captain Monasterio para hindi na humaba pa ang panenermon ng ama.

Umakyat na siya sa itaas para magtungo sa kanyang kuwarto at magpalit ng damit.

Habang nagbibihis, muling sumilid sa kanyang isipan ang bulag na macho dancer.

Hindi pala siya dating bulag …

Ibig sabihin, may tsansa pa siyang makikita.

Donor lang ng mga mata at gastos sa operasyon ang kailangan …

Iniisip niyang tulungan si Joseph para hindi na bumalik sa gaybar.

Hindi niya naiwasang mapangiti nang maaresto nila kanina ang bulag na macho dancer.

Hubo’t hubad siya kaya kitang-kita niya ang size ng alaga ng una …

Ang laki at ang haba …

Parang kanyon sa Corigidor ang porma …

Kahit isang pulis, babaeng-babae pa rin si Captain Monasterio.

Parang biglang nangasim ang kanyang pakiramdam nang maisip kung ano ang mangyayari sa kanya sakaling sa lungga niya gamitin ang kargada ni Joseph.

Nang nakabihis na, lumabas ulit siya ng kuwarto at bumaba ng hagdanan.

Nagpahain siya sa kanilang kasambahay para sa kanyang late dinner.

Kumakain na siya nang lumapit ang ama …

“Matanda na ako. Anytime ay puwede na akong mawala sa mundong ito. Pero paano ang mga business natin kung mawawala ako? Sino ang magma-manage kung pagpupulis ang inaasikaso mo? Iha, kaisa-isa kitang anak. Lahat ng ipinundar ko ay sa iyo maiiwan kaya pag-aralan mo na kung paano patatakbuhin ang mga negosyo natin!” sabi ni Don Pepito.

Humingi nang malalim si Captain Monasterio bago nagsalita.

“Pagbibigyan kita, Dad sa isang kundisyon!” maya-maya’y sagot ng dalaga.

“Ano’ng kundisyon?”

“May kaibigan akong bulag at gusto kong tulungan mo siyang makakita!” sagot ni Glenna.

“That’s our deal?” tanong ng ama.

Tumango ang dalaga.

“Kung gayun, magsisimula na akong magpahanap ng eye donor para masimulan na ang operasyon sa kaibigan mong bulag!”

“Thank you, Dad!” masayang sabi ni Glenna sa ama.

“Continue eating,” sabi ni Don Pepito sa anak at lumayo na.

Sa mga sandaling iyon, kausap ni Aris sa pamamagitan ng telepono ang may-ari ng gaybar na si Mr. Ching.

“Ayos na ang lahat. Nailabas ko na ang mga naaresto nating macho dancers at mga workers. At ilang araw lang, magiging operational na ulit ang gaybar,” sabi ng may-ari sa bading sa pamamagitan ng telepono.

“Mabuti naman kung ganoon, bosing. Matutuwa si Joseph sa ibinalita mo,” sagot ni Aris.

“Pero hindi sigurado kung sa dati o lilipat na tayo ng lugar,” dagdag pa ng may-ari ng gaybar.

“Okey lang, bosing. Ipaalam mo na lang sa amin kung kailan at saan tayo magsisimula,” sabi ng una.

Sa puntong ito natapos ang kanilang pag-uusap.

Karakang ipinaalam ni Aris kay Joseph ang napag-usapan nila ni Mr. Ching.

Nakahinga nang maluwag ang bulag.

“Mabuti naman at magkakatrabaho na tayo ulit. Bago ako tumigil sa pagsasayaw, gusto kong makaipon ng pera para mapaghandaan ang kinabukasan ni Angel. At kung papalarin, gusto kong maipaopera ang aking mga mata para makapagtrabaho nang iba,” sabi ng una.

“Mabait ka at dakila ang iyong misyon. Hindi ka pababayaan ng Diyos!” sagot ni Aris sa sinabi ni Joseph.

Sa mga sandaling iyon, pumapasok na sa trabaho ang asawa ng bulag na si Hazel.

GRO sa isang beerhouse sa Quezon Avenue. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply