BURLESK KING (libre tingin, bawal salingin) Ika-tatlong labas

KINAGABIHAN, inihabilin ni Aris si Angel sa kapitbahay saka isinama si Joseph sa isang gay bar sa Timog Avenue kung saan siya nagtatrabaho bilang floor manager.

Napaunat sa pagkakaupo ang may-ari na si Mr. Ching nang pumasok ang una hila sa isang kamay si Joseph.

Sa magandang bulto ng katawan ng bulag siya nakatingin.

“Mukhang may bago kang recruit, Aris,” nakangiti niyang sabi.

Pero biglang naiba ang kanyang timpla nang sa mukha na ni Joseph siya napatingin.

“Guwapo pero mukhang bulag. Tama ba ako o mali?” nakamaang niyang tanong.

“Talagang wala siyang nakikita, Mr. Ching!”

“Kung gayun, bakit mo siya dinala rito?”

“Ipapasok ko siyang macho dancer!” pormal na tugon ng bading.

“Kung nagpapatawa ka, hindi ka nakakatawa, Aris,” sabi ni Mr. Ching.

Hindi pinansin ng una ang sinabi ng may-ari.

“Kahit walang nakikita, may katangian si Joseph na wala ang mga macho dancers dito.
Naniniwala ako na siya ang magpapaangat sa negosyo mo, Mr. Ching,” aniya.

“Well …..”

Pinaghubo ng pantalon ng bading si Joseph.

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Ching nang matambad sa kaniyang paningin ang ipinagmamalaki ni Aris.

“Sa kabayo yata ipinaglihi ang mokong na iyan. Pero sa kalagayan niya, paano siya magki-klik?” doubt pa ring tanong ng may-ari.

“Ipaubaya mo siya sa akin. Ako na ang bahalang mag-choreograph sa kanyang dance number,” garantiya naman ni Aris.

“Pagbibigyan kita. Pero oras na sumablay ang plano mo, una at huling paglabas na iyon ng alaga mo sa entablado!” kundisyon ni Mr. Ching.

Dinala ng bading si Joseph sa room kung saan nagpa-praktis ang mga macho dancers.

Pinaturuan niya sa dance instructor kung paano gumiling ang bulag.

Mukhang may talent sa dancing ang huli …

Kahit hindi nakikita ang ginagawa, maayos niyang nasunod ang bilin ng dance instructor.

Kaya kinagabihan, may sariling bilang na sa pagsasayaw sa stage si Joseph.

May misteryo ang pagpasok ng huli sa stage …

Patay ang ilaw …

Dahan-dahan ang pagbabalik ng liwanag hanggang sa matambad sa paningin ng mga manonood ang mala-Machete na tindigan ni Joseph.

Tahimik ang mga kostumer …

Bago kasi sa paningin nila ang bagong macho dancer.

Guwapo, malaking bulto at maganda ang porma ng katawan.

Nang pumailanlang ang malamyos na musika, nagsimula siyang gumiling.

Naglilitawan ang kanyang mga masel sa bawat galaw ng katawan.

Pero sa malaking nakabukol sa harapan nito nakatutok ang kanilang konsentrasyon.

Kanya-kanya silang paandar ng imahinasyon.

Lahat ng mga manonood ay nasabik nang dumating sa puntong tatanggalin na ni Joseph ang tanging saplot ng kanyang pagkalalaki.

At presto …

Kasunod nito ang pagsambulat ng malakas na palakpakan, tilian at sigaw ng mga kostumer na may iba’t ibang gender bilang appreciation sa bagong macho dancer na kanilang dadakilain.  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply