BURLESK KING (libre tingin, bawal salingin) Ikalawang labas

ISANG umaga, habang gutom na namamalimos ang mag-ama, nakita sila ni Aris. Isang lalaki na  may pusong babae. Naawa siya sa lalaking bulag at sa batang babae na kasama.

Binigyan sila ng pera.

Kinabukasan, pera naman ang ibinigay sa kanila.

Araw-araw, dinadaanan sila ni Aris sa kanilang puwesto para abutan ng limos.

Nagsimula na siyang magtanong …

Kung paano nabulag si Joseph at bakit walang kapamilya na tumutulong sa kanila.

Nabagbag ang kanyang loob nang malamang iniwan siya ng asawa at sumama sa ibang lalaki nang hindi na niya maibigay ang pangangailangan nito dahil isa na siyang bulag.

May pakiusap ang bulag sa bading …

Ang tulungan siyang mapasok sa trabaho …

Napailing-iling si Aris. Ang daming normal pero walang mapasukan. Sa bulag pa kayang tulad ni  Joseph may tatanggap?

Pero may na-sight siyang magandang asset ang bulag.

Nakita niya ito isang umaga na dumidyinggel sa tabing daan ang una.

Hindi extra ordinary ang armas niya …

Ganito ang paborito ng mga matrona at ng mga kabaro niyang bakla pero ipinupuwera niya ang sarili.

“May alam akong trabaho na puwede mong pasukan, Joseph,” sabi ni Aris sa bulag.

“T-Talaga? Ano iyon, Aris?” sabik nitong tanong.

“Pero medyo maselan ito at hindi ko alam kung makakaya ito ng dibdib mo!”

“A-Ano bang trabaho iyon?”

“Macho dancer!”

“Niloloko mo yata ako, e! Paano ako matatanggap doon ay isa akong bulag?” gustong mayamot na tanong ni Joseph.

“Kahit wala kang nakikita, maganda ang built ng katawan. Bukod diyan, may nakita akong katangian mo na magiging katanggap-tanggap sa may-ari ng gaybar at sa mga kostumer nito,” sagot naman ni Aris.

“A-Ano?”

“Nang dyuminggel ka kanina, nakita ko na pinsan ka pala ni Totoy Mola!”

Mahabang sandaling natigilan si Joseph.

Alam niya ang ibig sabihin ng baklang si Aris.

At sa hirap ng buhay na dinaranas nilang mag-ama ni Angel, kahit butas ng karayom ay papasukin niya kumain lang sila ng tatlong beses sa isang araw ng anak.

“Kahit ano’ng trabaho basta’t puwede ako, tatanggapin ko. Kung puwede akong macho dancer, papasukan ko ito,” matatag na sabi ni Joseph sa kaibigang bading.

Napatango-tango at napangiti si Aris.

“Iba ka sa lahat nang nakita kong macho dancer. Naniniwala ako na sa katauhan mo, isisilang ang isang naiibang burlesk king,” tiwalang sabi sa sarili ng bakla.

Isinama ni Aris sa tinutuluyan ang mag-ama.

Pinakain muna …

Matapos ito, pinapaligo niya si Joseph at binigyan ng bihisan.

Dinala sa barberya at pinagupitan.

Hindi makapaniwala si Aris nang lumutang ang taglay na kaguwapuhan at kamatsuhan ng una makaraang maigayak. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply