BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ikapitong labas

NAGPATULOY ang pagtatrabaho ni Joseph bilang macho dancer.

Kahit hindi niya nakikita, alam niya na nadaragdagan ang mga kostumer sa gaybar.

May mga bagong tinig kasi siya na naririnig at lumalakas ang palakpakan sa tuwing siya ay magpe-perform.

Naging inspirasyon niya ang mga ito para ganahan siyang magsayaw.

Nang maramdaman niya at maulinigan na parang nagkakagulo sa kanyang paligid.

Kasunod nito, may kamay na humawak sa kanyang braso.

Alam niya, hindi ito si Aris.

“S-Sino ka?” tanong niya.

“Pulis! At dinarakip ka namin dahil sa malaswa mong trabaho!” narinig niyang sagot ng lalaki na humawak sa kanyang braso.

Gimbal si Joseph.

Wala na siyang nagawa nang hilahin ng pulis pababa sa stage.

Alam niya, maraming nahuli pero hindi niya alam kung kasama si Aris dahil hindi niya naririnig ang tinig ng bading.

Dinala sa kanyang opisyal na isang babaeng pulis.

“Captain Monasterio, bulag pala ang macho dancer na ito,” sabi ng umarestong pulis.

“B-Bulag?” hindi makapaniwalang sambit ng magandang team leader ng mga nang-raid na pulis.

Personal na ininspeksiyon ng babaeng police officer si Joseph.

“Ang tindi ng pangangailangan mo, pare. Pati pagma-macho dancing, pinasok mo kahit hindi ka nakakakita!” pailing-iling na sabi ni Captain Monasterio.

Kinausap ng una ang mga tauhan na ihiwalay si Joseph sa mga naaresto.

Sa kotse ng babaeng police officer siya pinasakay.

Ilang saglit pa at dinala na ng mga pulis ang naarestong mga macho dancer.

Hindi kasama ang owner ng gaybar na nagawang makapuslit bago dumating ang raiding team.

Kulong lahat sila liban kay Joseph.

Hindi niya isinama ang bulag sa mga kakasuhan.

“Ang hirap ng kalagayan mo bilang isang bulag. Bakit mo pinasok ang trabaho ng isang normal na macho dancer?” tanong ni Captain Monasterio kay Joseph habang lulan ng kotse ng policewoman.

“May anak ako. Kailangan kong magtrabaho kahit ano para kami mabuhay,” seryosong sagot naman ni Joseph.

“May asawa ka ba?”

“Meron, Mam!”

“Wala siyang ginagawa para matulungan ang inyong pamilya?”

“Hiwalay na kami. Nang mabulag ako, natakot siyang maghirap at iniwan kaming mag-ama.”

Nabagbag ang loob ni Captain Monasterio dahil sa nalaman.

Dahil dito, tuluyan na niyang palalayain si Joseph.

Totoong istrikto ang batas pero may puso rin ito.

At ito ang nararamdaman ngayon ni Captain Monasterio.

“Alam mo ba kung saan ka umuuwi?” tanong ng policewoman.

Sinabi niya ang address ng apartment ni Aris.

“Hindi ko sariling bahay iyon. Nakikitira lang kaming mag-ama sa bahay ng isang kaibigan,” sabi pa ni Joseph.

Inihatid siya ni Captain Monasterio sa kanyang inuuwian.

Narito na si Aris …

Nakatakas siya sa kasagsagan ng raid sa gaybar at naghihintay ng instruction ng may-ari nito.

Nakita ng babaeng pulis ang anak ni Joseph.

Dalaga pa si Captain Monasterio pero mahilig sa bata lalo na at babae.

Pulos lalaki kasi ang mga kapatid niya.  Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply