Buwayang BIR sa Mindoro isinusuka ng taxpayer (2)

ITULOY po nating kalampagin ang mga buwaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Mindoro na kung saan ay isinusuka na sila ng mga taxpayer.

Eto po ang karugtong ng naputol na nilalaman ng text message.

Alam ninyo, Mr. De Sabog, kahit po ang mga kasamahan nila  sa kanilang opisina ay hindi na po masikmura ang ginagawa nila at isinusuka ang mga kasuwapangan nila.

Sila man po ay nahihiya na rin sa mga reklamo ng mga negosyante rito.

Ang mga negosyante  po rito ay takot na takot sa kanila at nakikisama na lang kaya napipilitan pong magbigay sa kanilang mga hinihingi. Sa amin sa Puerto Galera, milyon na ang nakurakot nila. Dapat sa gobyerno natin napupunta imbes sa kanilang mga bulsa.

Sobra na ang mga harassment nila na hindi tama para sa‘matuwid na daan’ na isinusulong ng Pang. Benigno “Noynoy” Aquino.

Ang iba pang datos sa mga “Buwayang BIR sa Mindoro, Isinusuka ng mga Taxpayer” ang susunod.

UNTOUCHABLE NA LOTENG SA EPD

Hindi pa rin tumitigil sina Cris at  Rose sa pag-ooperate ng kanilang loteng sa mga lugar ng Marikina, Mandaluyong at San Juan.

Kontrolado ng  magpakner ang mga nabanggit na lugar dahil mismo ang mga alkalde  at chief of police ang kanilang mga kausap sa nasabing iligal na pasugalan.

Ibang klase ang magpakner na Cris at Rose kung maglagay ng kanilang ‘I.N.T.’ sa mga kapulisan kaya hindi sila hinuhuli kahit na iligal na pasugalan.

Maging ang mga alkalde ng bawat lugar na pinasok ng loteng nina Cris at Rose ay tumatanggap  na rin sa kanila ng payola.

Kung tumatanggap man   ang mga mayor e, kanino ibinibigay ng magpakner ang para kina mayor?

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o e-mail sa juandesabog @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply