Dambuhalang buwayang tsumibog sa magsasaka, nasilo

NASILO sa ikinasang patibong ang isang malahiganteng “saltwater crocodile” na hinihinalang umatake at kumain ng buo sa isang magsasaka sa Palawan, Lunes ng umaga (Hulyo 11).

Ang may 13.7-talampakang buwaya na nalambat sa Barangay Rio Tuba sa Bataraza, Palawan ay tumitimbang ng 300 hanggang 400 kilo, ay kinailangan ang lakas ng may sampung kalalakihan bago ito nabuhat at nailagay sa isang hawla.

Kinailangan din itong talian ng mahigpit sa apat na paa at lagyan ng piring sa mata dahil nagiging agresibo ito kapag nakakakita ng tao.

Nahuli ng mga dalubhasa mula sa Palawan Crocodile Farm at ng Palawan Council for Sustainable Development ang buwaya na ang scientific name ay crocodylus porosus dakong ala-singko ng umaga. Ang Crocodylus porosus ay ang pinakamalaking reptile sa buong mundo.

Noong Hunyo lamang, iniulat na nawawala ang mangingisdang si Edwin Lucero sa munisipalidad ng Bataraza sa Palawan at pinaniniwalaan ng mga miyembro ng komunidad na kinain ito ng isang buwaya.

Dadalhin ang buwaya sa Palawan Crocodile Farm para pasukahin ito at malaman kung mayroon human tissues sa loob ng bituka nito. Ang pamamaraang ito ang makapagsasabi kung kinain nga nito ang nawawalang mangingisda.

Hindi naman nabanggit na kung sakaling ito nga ang pumatay kay Lucero ay ikakasa ang pagpatay dito pero ayon sa awtoridad, aalagaan pa rin ito para magpunla pa ng lahi.

Nauna rito, nagkasa ng patibong ang mga miyembro ng Palawan Crocodile Farm at ang Council for Sustainable Development sa Rio Tuba Village sa Bataraza town, apat na araw bago ang nasilo ang buwaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply