Buwis sa lotto, sweepstakes isinusulong

MALAKING tulong sa pamahalaan kung bubuwisan ang mga panalo sa lotto at sweepstakes lalo na at umaabot ang mga premyo sa daan-daang milyong piso na dagdag sa kinakailangang koleksyon ng pamahalaan.

Kaysa umano pag-usapan ang mga nakaraang anomalya, sinabi ni Rep. Rufus Rodriguez na ma-amyendahan ang R.A. 8424 o ang Tax Reform Act of 1997 o Act amending the national  internal revenue code na nagsasad ng pag-aalis ng buwis sa mga panalo ng sweepstakes at lotto sa bansa.

Ayon sa kongresista, ang kita o gross income na sinasaad sa Tax Reform Act of 1997 as amended ay nagsabing ” ang gross income ay lahat ng kinita saan man ito nanggaling” kung kaya’t ito umano ang dahilan kung bakit dapat buwisan kahit ang mga perang galing sa pagkakapanalo sa PCSO at Lotto.

Ginawang halimbawa ni Rodriguez ang kaso ng isang Pinoy na nanalo ng $741 milyon jackpot sa Amerika kung saan kinunan ng mahigit $200 milyon buwis dahil ang nanalo ay isang US citizen. Mapupunta sana ang nasabing halaga sa pamahalaan ng Pilipinas kung binubuwisan ang mga panalo sa lotto rito. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply