Call center agent hinoldap na ginahasa pa

ISANG call center agent ang halinhinan umanong ginahasa matapos na holdapin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Mandaue City kahapon, iniulat ng pulisya Miyerkules.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Amor, 2nd year college, sa Barangay Paknaan ng lungsod ng Mandaue kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na inihanda ni PO3 Gregorio Cabisare, may hawak ng kaso, naglalakad ang biktima nang bigla na lamang itong harangin at tutukan ng patalim ng dalawang kalalakihan.

Sa takot ay napuwersa siyang madala sa isang parking area ng mga salarin. Dito kinuha ng mga salarin ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng cell phone. Subalit sa halip na pawalan ang biktima ay sinimulan siyang hubaran ng dalawa.

Hindi pa umano nakuntento ang dalawa kaya halinhinan siyang ginahasa.

Nang makaraos na umano ang dalawang lalaki ay naglakas-loob na sumigaw ang babae dahilan upang mataranta ang mga ito kaya nagawang makatakbo ng biktima palayo bitbit ang underwear at pantaloon.

Agad namang siyang sinaklolohan ng ilang residente at nakapagsumbong sa mga alagad ng batas.

Sinabi ni PO3 Cabisare, isinailalim na nila sa medical test ang biktima sa Vicente Sotto Memorial Medical Center at hinihintay na lang nila ang resulta ng test habang patuloy ang isinasagawang follow up investigation.

Hinihinalang maaring residente din ng nasabing lugar ang mga salarin dahil sa lakas ng loob at pagiging kabisado nila ang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply