Call, text services ng telcos dapat habaan pa

PINAHAHABAAN pa ng isang kongresista ang pagbibigay ng libreng unlimited call at text sa lahat ng telecommunications firm sa bansa.

Ayon kay Cagayan Rep. Jack Enrile, pag-aari ng mamamayang Filipino ang frequency spectrum na ginagamit ng telecommunications companies tulad ng Smart, Globe at Sun, kaya dapat ay mabigyan din ang mamamayan ng benipisyo maging ito man ay mula sa mababang presyo o magandang serbisyo.

“We have to remember that the frequency spectrum is a national asset – and that telcos are only being given a franchise to utilize these frequencies. As owners of the spectrum, Filipinos – or the consuming public, for that matter – should benefit from telcos’ (telecommunication companies) use of this national asset,” ani Enrile.

Ipinunto ni Enrile na dapat maranasan din ng mga konsyumer ang benepisyong ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mababang singil ng telcos sa mga tawag at text messages, kasama na ang unlimited calls sa lahat ng mga networks.

“Given the fact that mobile phone services, such as voice calls and text messaging, are now widely used not only for personal or social purposes but also for business, Filipino consumers will benefit from the unlimited text and calls that are not only confined to a single network but to all the existing networks,” ani Enrile.

Iginiit pa ng mambabatas ang pagkakaroon ng mabilisang hakbang ng National Telecommunications Commission (NTC) na ipatupad ang mababang singil sa tawag at text sa loob lamang ng isang taon at huwag na itong patagalin pa sa   loob ng susunod ng tatlong taon.

Tutal, aniya, ay malaki ang kinita ng mga telecommunication companies sa bansa at may sapat na kakayahang magpalawak pa ng kanilang serbisyo at mapababa ang kanilang singil.

Lumilitaw na ang pinakamalaking telecommunications firm sa bansa, ang Smart Communications, ay may cellular voice revenues na P42.3 billion at cellular data/text revenues na P41.5 billion noong 2010.

Samantalang ang Globe Telecom, pangalawang pinakamalaking telecommunications company, ay napaulat ding aabot sa P9.7 billion ang net income noong nakaraang taon.

Kamakailan lang ay nagpalabas ang NTC ng memorandum sa mga telecom company na babaan ang singil sa voice at text messaging sa bansa

Nais ng NTC na gawing 35-15 sentimos ang text charge habang P1 ang tawag sa loob ng tatlong taon sa umpisa ng implementasyon ng nasabing memorandum.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply