Calling Sec. Luistro at mga tiwali parusahan

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na maihayag ng ating mga reader ang kanilang mga kaisipan at damdamin ukol sa mga nagaganap sa bansa at bibigyan din po natin ng espasyo ang pinatutungkulan dito para sa patas na pamamahayag.

CALLING DEPED SEC. LUISTRO

Gud pm, sir Benny. Avid readers po kami ng ultimatum. Dito sa sa Nueva Ecija, pakibulabog nga po si Mrs. Tarcila Javier (DepEd  superintendent – n.e.). Sobrang corrupt. Every year, binibigyan kami ng raffle tickets (compulsory). Ngayon po worth 600 pesos ang pilit na pinababayaran ng bawat teacher. Malaking halaga na po ito kumpara sa napakaliit na suweldo ng mga teacher. Sana po, makarating kay Sec. Luistro ito sa pamamagitan ng ultimatum ang karaingan namin. Maraming salamat. Pls. don’t publish my number. Mr. Nagano of Jaen Nueva Ecija. 921793

PNOY DESIDIDO

May pananaw po kami rito sa Bulacan na desidido si PNoy na isaayos ang bansa at inuuna lang yung mga katiwalian. Kung usapin sa langis, may palagay ako na kahit mahal kung kayang bilhin, hindi problema. Yun  namang bawas budget sa bawat agency ng gobyerno, palagay ko tama kasi sa bawat agencia, kinokorap lang pag malaki ang budget. Padala ni F. Gomez ng Bulacan, Bulacan. 939227

PUP TAGUMPAY

Magandang hapon po. Tagumpay po ang walk-out ng mga estudyante ng PUP para sa isyu ng budget cut at lahat ng isyung kinasasangkutan ng administration ng PUP Lopez. Miss D0SE PES0S 999677

PARUSAHAN NA, KUMPISKAHAN PA

Sir, gud pm. Grabe sina GMA, Mike Arroyo, Mikey Arroyo, Dato Arroyo at Iggy Arroyo. Dapat sa kanila &@*%$! Sobra cilang mag-nakaw, grabe ang pagpapahirap nila sa taumbayan.  Kung ako si PNoy, lahat ng kayamanan nilang ninakaw, isequester at huwag idaan sa proseso. Dapat Marcos style ang gawin ni PNoy. Wala silang awa sa taumbayan, dapat sa kanila ay %*S@#%. 927946

ISANG TEXT SCAM

Hi! Sir, magtatanong lang po ako. Nandito po ako sa Taiwan. Madalas akong maka-receive ng text message sa roaming ko. Nanalo raw ako ng nasa  P750,000 sa HANDOG PANGKABUHAYAN from  AQUINO FOUNDATION. Tanong ko lang po: Totoo ba ang text message  na ganito?   Mayet- 0949583

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply