Caltex nagtaas na rin ng presyo ng gasolina

SUMUNOD na ang Chevron o ang Caltex sa pagtaas ang presyo ng kanilang mga produktong langis.

Alas sais ng umaga, ika-12 ng Hulyo ay nagpatupad ng P2.00 kada litrong dagdag sa presyo ng Unleaded, P1.50 kada litro sa premium at P0.80 kada litro sa diesel ang Caltex.

Kaninang alas 12 ng hatinggabi ay nauna nang nagpatupad ang Shell ng kaparehong oil price hike.

Inaasahang susunod na rin ang Petron at ang mga maliliit na oil players ng bansa sa pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply