Car bomb pinasabog sa Yemen, 9 todas, 21 sugatan

PATAY ang 9 katao, habang 21 ang sugatan nang pasabugin ng isang suicide bomber ang isang kotse malapit sa military air force camp sa timog bahagi ng Yemeni port city of Aden.

Sa nasabing insidente, siyam na sundalo ang namatay at ikinasugat ng 21 iba pa.

Inihayag ng defense ministry, namatay din ang nagpasabog ng kotse.

“The suicide attack by al Qaeda hit a convoy headed to Abyan … the attacker died and his limbs were scattered around the area,” bahagi ng pahayag ng ministry of defense.

Inihayag naman ng Security analyst na si Theodore Karasik ng Dubai-based INEGMA group, al Qaeda ang nasa likod ng pagsabog.

“This has all the hallmarks of al Qaeda … They (the convoy) were preparing to go to Abyan to join the fighting so this is an al Qaeda tactic to interrupt the flow of soldiers to that area,” wika ni Karasik.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply