Caretaker tinadtad ng tinalo sa suntukan

TODAS ang isang caretaker matapos tadtarin ng saksak ng kanyang nadehado sa suntukan sa tapat ng expo market sa Brgy. Maysan, Valenzuela City iniulat ng pulisya.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Elmer Miranda Dordas, 29, caretaker, at residente ng 301, Area 3, Family compound Brgy. Karuhatan, nasabing lungsod.

Samantala ang suspek na agad namang nasakote ng mga barangay tanod ay si Jayson Atizado Valenzuela, 21, ng #76 De Galicia St., Brgy. Maysan Valenzuela.

Sa report ni C/Insp. Danilo Bugay hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela police, dakong 2:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng Expo market sa nasabing barangay.

Nasa kasarapan ng inuman ang dalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan ang dalawa.

Nang matalo ang suspek ay kumuha ito ng patalim saka pinagsasaksak ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply