CBCP may bago ng mga opisyal

NAGHALAL na ng mga bagong opisyal ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa isinagawang botohan ng mga miyembro nito, kasabay ng ginanap na ika-103 Plenary Assembly ng CBCP nitong Hulyo 8 hanggang 10.

Ang dating CBCP vice president na si Cebu Archbishop Jose Palma ang nahalal bilang bagong pangulo ng samahan ng mga obispo, kapalit ni Tandag Bishop Nereo Odchimar na hindi na muling tumakbo sa puwesto.

Pormal na uupo sa puwesto si Palma, sa Disyembre 1.

Si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas naman ang naging bagong ikalawang pangulo, kapalit ni Palma.

Alinsunod sa tradisyon, inihahalal ang mga kasalukuyang pangulo at ikalawang pangulo ng CBCP sa kanilang ikalawang termino, ngunit hindi ito nasunod ngayon dahil hindi na muling tumakbo si Odchimar.

Kabilang naman sa iba pang opisyal ng CBCP na nahalal ay sina Dumaguete Bishop John Du, bilang Treasurer kung saan papalitan si Cubao Bishop Honesto Ongtioco; Msgr. Joselito Asis, dating assistant secretary general at assistant treasurer, ngunit ngayon ay nahalal na Secretary General kapalit ni Msgr. Juanito Figura.

Si Palma ay nagmula sa Jaro Archdiocese sa Iloilo, at naordinahan bilang pari noong Agosto 21, 1976 at pinangalanang Auxiliary Bishop ng Cebu noong Nobyembre 28, 1997.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply